Martes, Setyembre 26, 2017

Bilang isang anak

Tinitiyak ko sa aking sarili bilang isang anak, na kahit anong mangyari ay lalabanan natin at susugpuin ang kahirapan.

Hindi ako magsasawang mag-aral hanggat ako'y pinag-aaral na kahit hirap sa buhay at gagawin ko ang aking makakaya. Hindi hadlang ang pagiging mahirap kung talagang ikaw naman ay nagtitiyang makatapos.

Gayunpaman, Bilang isang anak gagampanan ko ang aking tungkulin ng sa gayon lahat ng pinaghirapan ko bilang isang anak ay mapapalitan ng kaginhawahan at kagalakan.
Alam kong maraming taong naghihirap ngayon at kabilang na kami doon. Sa kadahilanang walang pera, hirap sa buhay, at walang trabaho. Kaya't ngayon sa aking pagkakataon kayo na aking magulang ay aking tutulungan.

Aking tinitiyak na bilang isang anak nyo ay magiging matapang ako sa determinadong pagsubok na kung saan kayo na aking magulang ay tutulungan ko sa bawat problema ng inyong kinakaharap.

Kayat nais kong ipabatid sa inyo aking magulang na ako bilang isang anak ay hindi titigil o magsasawa na pagsikapang makaahon sa buhay.


9 (na) komento: